Ang Payo Ko Lang…

  • Kung natiyempuhan ninyong Nokia TV system ang ginagamit ng hotel na inyong tinuluyan, enter 2-2-1-down arrow-and hold “ok” on the remote, para maka-access kayo ng free movies.
  • Mas matinding magpagising ang pag-inom ng malamig na tubig sa umaga kaysa hot coffee.
  • Para laging ayos ang porma kapag lalabas ng bahay, la­ging mag-imadyin na sa ayaw mo at sa gusto, magkakasalubong kayo ng crush mo or ng “ex” mo.
  • Huwag magreklamo ng 24 hours. Kapag nasanay ka, unti-unti mong madadama ang pagbabago ng buhay mo.
  • Huwag matakot sa kaaway na nanunugod; matakot ka sa “fake friend” na nakikipag-beso-beso pa sa iyo.
  • Simple lang ang dapat gawin sa buhay:  Kung nakakapagpaligaya sa iyo, gawin mo. Kung hindi, huwag mong gawin.

(itutuloy)

Show comments