Practical Tips

Sa mga nakakalbo:

Pagsama-samahin ang  mga sumusunod: 1 tbsp of cinnamon powder + 2 tbsp of honey + 3 tbsp of olive oil. Mix well. Imasahe sa  bald patches. Hayaan ng 20 minutes. Banlawan ang ulo.

Tricks para mag-glow ang kutis bago mag-aplay ng make-up:

Hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig upang pagandahin ang sirkulasyon ng iyong dugo sa mukha.

Bumawas ng sapat na dami ng moisturizing cream at ilagay sa malinis na foil. Haluan ito ng 1 drop  cold water. Haluin gamit ang cotton buds.

Iaplay ang mixture sa mukha. Unahin ang ilalim ng mata.

Ibalot ang isang pirasong yelo sa cotton cloth at pagulong-gulungin sa buong mukha. Ang epekto ng maligamgam na tubig sa balat tapos biglang malamig ay pagliit ng “pores”  na magdudulot ng “glow” sa balat.

Juice na Pampagaling sa Migraine:

1/2 fresh pineapple

2 pirasong kale leaves o spinach leaves

1 stick na celery

1/2 Pipino

Juice ng 1 pirasong calamansi

1/2 inch ginger na binalatan

Ilagay sa juicer. Haluing mabuti ang pinagsama-samang juice. Inumin isang oras bago o pagkatapos kumain ng almusal.

Show comments