^

Punto Mo

Solusyon sa init: Mga kakaibang payo

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

KAPAG mainit ang panahon, kailangan natin mag-ingat sa heat stroke. Posibleng matuyuan ang ating katawan sa sobrang init. Heto ang mga payo na puwede ninyong gawin:

Bumili ng spray bottle. Ito ‘yung plastic na bote na nilalagyan ng tubig at ginagamit na spray para sa halaman. Kapag sobrang init, mag-spray nang malamig na tubig sa iyong mukha at siguradong giginhawa ang iyong pakiramdam.

Maligo o maghilamos nang madalas. Punasan din ng basang tuwalya ang iyong leeg, noo, katawan at kilikili.

Mag-electric fan. Kapag tumapat ka sa electric fan pagkatapos maghilamos, mas lalamig ang iyong pakiramdam dahil sa “wind-chill effect.”

Gumawa ng ice o magpalamig ng mga bato sa refrigerator. Ipatong ang pinalamig na bato sa bandang pulso ng kamay o ipatong sa leeg. Nananatiling malamig ito ng isang oras.

Uminom ng malamig na tubig bawat 30 minutos. Kahit hindi ka nauuhaw, uminom pa rin ng ilang lagok ng tubig. Kahit one-fourth na baso lamang ay puwede na.

Magbabad ng ice chips sa bibig habang nagtatrabaho.

Obserbahan ang ihi. Kapag madilaw na ang iyong ihi, ang ibig sabihin ay kulang ka na sa tubig. Uminom na ng tubig.

Magbawas sa kape at alak dahil nakaka-dehydrate ito. Lalo ka lang mauuhaw. Mag-tubig na lang.

Mag-sun glasses. Mag-isip nang “malamig” at lalamig ang iyong pakiramdam.

Kapag nasa bahay naman, puwede magtanggal ng baro, sapatos at medyas. Mag-shorts na lang. Kaya lang, hindi ito puwedeng gawin sa trabaho!

  Maghanap nang pinakamalamig na kuwarto sa bahay. Takpan ng madilim na tela o cardboard ang bintana para hindi pumasok ang sikat ng araw. Lagyan ng mga bato ang kuwartong ito para lumamig.

12. Kumain ng matutubig na pagkain tulad ng pakwan at melon.

13. Magtanim ng halaman sa paligid ng bahay. Ang mga puno ay mabisang panlaban sa init ng panahon at nagbibigay pa ng oxygen sa atin.  Puwede ring maglagay ng halaman sa loob ng bahay.

14. Magpapayat. Ang mga ma­tataba ay laging naiinitan at pinapawisan. Mas maganda ang payat dahil mas kaya nila ang init.

Tandaan: Umiwas sa araw, magpahinga at magdahan-dahan lang sa iyong trabaho. Sa ganitong paraan, kayang labanan ang init.

BUMILI

GUMAWA

HETO

IPATONG

IYONG

KAHIT

KAPAG

TUBIG

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with