Engineer utas sa ambush

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 30-anyos na engineer nang siya ay pagbabarilin habang sakay ng sasakyan sa main gate ng Orange Grove sa kahabaan ng Carlos Garcia Highway sa Brgy. Matina Pangi, Davao City nitong Biyernes ng umaga.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Arvie John dela Cruz Ragonton, isang onsite engineer ng isang real state developer at residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Sa ulat ng Davao City Police, alas-8:00 ng umaga habang papasok ang biktima sa main entrance ng ­Orange Grove ng nasabing barangay ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga salarin ang sasakyan ng una.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Kabilang sa sinisilip na motibo ng krimen ay posibleng personal na galit at inggitan sa trabaho.

Show comments