^

Police Metro

Mga empleyado ng OP, pinapapasok ng maaga ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng Office of the President na maagang pumasok at mas maging epektibo sa trabaho.

Ayon kay Marcos, mahalagang mapaganda ang pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Sinabi rin ni Marcos na dapat magampanan ang malaking responsibilidad na ibinigay sa kanila ng mga mamamayan.

Ayon kay Pangulong Marcos, hihina ang leadership sa buong bansa kung hindi maayos ang trabaho sa OP.

Tiniyak din ni Marcos na mararamdaman ang mga policy directions na ipinatutupad ngayon sa mga susunod na taon.

“Kaya’t kailangang na kailangan na ipagbuti natin ang ating mga trabaho. Kailangan natin ipagbuti at lagi natin maalala ang ating pagmamahal sa bansang Pilipinas at sa ating mga kapwang Pilipino,” dagdag ni Marcos.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with