Senglot niresbakan ng lolo na sinuntok, tigok

Kinilala ang nasawi na si Erickson Guyala Brito, 44, may-asawa, habang sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Salvador Antang Barcebal, binata, pawang residente ng naturang barangay at isinuko rin nito ang itak na ginamit sa pananaga. Sa ulat, alas-3:30 ng hapon dumating sa lugar ang lasing na biktima at sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong binigwasan ng suntok ang suspek.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lasing na lalaki matapos tagain sa leeg ng 70-anyos lolo na kanyang sinuntok, naganap kamakalawa ng hapon sa  Zone-1, Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na si Erickson Guyala Brito, 44, may-asawa, habang sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Salvador Antang Barcebal, binata, pawang residente ng naturang barangay at isinuko rin nito ang itak na ginamit sa pananaga. Sa ulat, alas-3:30 ng hapon dumating sa lugar ang lasing na biktima at sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong binigwasan ng suntok ang suspek.

Binunot ng suspek ang dalang itak sa baywang at tinaga sa leeg ang biktima.

Show comments