‘Extradition’ vs Quiboloy, wala pa – DFA

Apollo Quiboloy.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi pa nakakatanggap ng extradition request ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, wala pa silang natatanggap na extradition request mula sa DFA.

Aminado naman si Clavano, na mahirap magsalita tungkol sa nasabing sitwasyon dahil ang layon ng gobyerno ay makamit ang hustisya mula sa anumang paraan at sa pinakamaayos na forum.

“The decision to resolve came as a result of almost a year of verifying the evidence on record as well as the identity of the alleged victim,” sinabi pa ni Clavano.

Ang pahayag ng tagapagsalita ng DOJ ay kaugnay sa utos ng korte sa California tungkol sa arrest order  para kay Quiboloy matapos siyang ibilang sa “wanted persons” ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa iba’t ibang kaso.

Ilan sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy mga kasama na sina Helen Panilag at Teresita Tolibas Dandan ay conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud coercion, sex trafficking of children, conspiracy at cash smuggling.

Show comments