^

PSN Opinyon

Nakadidismaya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKADIDISMAYA maglakbay sa Metro Manila ngayon. Tila tumataas ang anarkiya sa kalsada sa kakulangan ng mga traffic enforcer na magpatupad ng mga patakaran sa kalsada. Kahit may social media na tumutulong pati mga dashcam video, wala itong nagawa para pigilan ang dami ng mga lumalabag.

 Ang pinag-uusapan natin ay ang mga nag-counterflow, sumusuway sa traffic lights, at walang pakialam sa mga karatula gaya ng “Do Not Enter”, “One Way”, “No Left Turn” at iba pa. Ang mga traffic enforcer ay makikita lamang sa mga pangunahing intersection lamang. Kaya ang tanong, ano ang punto ng pagkakaroon ng mga patakaran sa trapiko?

 Ang kailangan ay isang opisyal, mula man sa LTO, MMDA, o PNP, na umiikot upang matiyak na lahat, walang eksepsiyon, ay sumusunod sa mga patakaran ng trapiko. Sinasabi ko ito dahil nakikita ko pa rin ang mga pribadong sasakyan na may mga police escort at hindi gumagalang sa mga patakaran sa trapiko at motorista.

Paulit-ulit na nilinaw na ilang matataas na opisyal lamang­ sa gobyerno ang maaaring magkaroon ng mga police escort. Hindi ko nga alam kung ang mga ine-escort na sasakyan ay mga opisyal ng gobyerno. Maaaring sila ay mga pulitiko o mayayamang pribadong mamamayan na “feeling VIP.”

Matanong ko pala, ano ang ginagawa ng mga pulis na nakamotorsiklo bukod sa maging escort? Hindi ko sila nakikitang humahabol sa kriminal o anuman. Minsan sa harap pa nila lumalabag ang motorista pero wala namang ginagawa. Lahat ba sila ay inatasan na maglingkod lamang sa ilang opisyal ng gobyerno, pulitiko, o mayamang tao?

 Dapat itaas na ang mga multa sa mga lumalabag sa batas trapiko sa halagang magdadalawang-isip na bago lumabag. Ang pagtatanim ng disiplina sa kalsada ay hindi pinansin ng halos lahat ng administrasyon. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para matugunan ito. Sa rami ng lumalabag araw-araw, maaaring makatulong ang mga multa para magamit sa ibang sektor tulad ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at pambansang seguridad.

Ang umiikot na opisyal na binanggit ko kanina ay maaaring tukuyin ang problemadong lugar magtalaga ng mga taong manghuhuli ng lumalabag. Ngunit kakailanganin nila ng tulong ng pulisya kung mayroong lumalabag na hindi gumagalang sa kanila.

May mga insidenteng naganap kung saan hindi rinespeto ang traffic enforcer ng lumabag. Kaya kailangan nila ng tulong ng PNP. Dapat matukoy ang lumalalang problema ng kawalan ng disiplina sa kalsada. Kundi, hindi malayo ang magiging lantarang away sa kalsada, na sa totoo lang ay nagaganap na.

vuukle comment

LTO

METRO MANILA

MMDA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with