Lalaki na pumalag sa police checkpoint, napatay

Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), alas-3:15 ng hapon ay nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga elemento ng Gapan City Police sa nasabing lugar nang mapansin ang isang lalaki na may nakasukbit na baril sa baywang, nakasuot ng itim na long sleeves, camouflage shorts, helmet at sakay ng kulay abuhin at itim na Yamaha Aerox na motorsiklo.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na umano’y miyembro ng “Basag-Kotse Gang” nang manlaban sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sto. Cristo Norte, Gapan City, Nueva Ecija.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Mulangaw”, 31, ng Brgy. Pulo, San Isidro ng lalawigan.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), alas-3:15 ng hapon ay nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga elemento ng Gapan City Police sa nasabing lugar nang mapansin ang isang lalaki na may nakasukbit na baril sa baywang, nakasuot ng itim na long sleeves, camouflage shorts, helmet at sakay ng kulay abuhin at itim na Yamaha Aerox na motorsiklo.

Nang sitahin ay tumakas ito kaya’t ito ay hinabol hanggang sa maabutan sa Purok Villareal at sa halip umano na sumuko ay pinaputukan umano nito ang mga operatiba na gumanti ng  putok na ikinamatay ng suspek.

Nabatid na ang suspek ay sangkot umano sa serye ng mga insidente ng pambabasag ng kotse sa lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at ilang karatig na lugar.

Show comments