^

Police Metro

Bangkay ng kelot na walang saplot, tinapon

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuan sa isang ma­damong lugar ang bangkay ng isang hindi nakilalang lalaki na walang saplot at tadtad ng saksak sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa 25 hanggang 30-anyos, me­dium built, fair comple­xion, nasa 5’5” ang taas.

Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay bandang alas-6:40 ng umaga noong Hulyo 30 sa madamong lugar na sakop ng Meralco Village, Brgy. Batia.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng pulisya mula sa Brgy. Batia na nag­sabing may natagpuang bangkay sa naturang lugar.

Nang puntahan ng mga otoridad ay tumambad sa kanila ang walang saplot na bangkay ng lalaki.

Samantala, sa isang comment ng netizen sa Facebook post na nag-viral tungkol dito ay nagsabing tadtad ng saksak at umano’y tinanggalan pa ng bayag ang bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa natu­rang krimen para mahuli ang hindi nakilalang salarin.

Maraming netizen ang nagpaabot ng pakikiramay at humihingi ng hustisya para sa mga naulila.

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with