Bilang ng patay kay ‘Egay’ umakyat na sa 25

In this handout photo from Mountain Province Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) on July 26, 2023, vehicles are seen submerged as water rises along Chico River in Bontoc, Mountain Province as Super Typhoon Doksuri passes close to the northern tip of Luzon Island.
Handout / Mountain Province Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) / AFP

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 25 ang nasasawi sa pananalasa ng bagyong Egay habang nasa 2.3 milyong indibidwal naman ang apek­tado nito sa bansa.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Batay sa report,52 katao ang sinasabing suga­tan habang 23 naman ang nawawala kabilang ang apat na Philippine Coast Guard personnel sa lumubog na bangka noong nakaraang linggo sa Abulug, Cagayan.

Ayon naman kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Ariel Nepomuceno, ang apat na tauhan ng PCG ay sumaklolo sa ilang residente sa mga si­nalanta ni Egay nang mangyari ang paglubog ng kanilang aluminum boat.

Umaabot  na sa 2.3 mil­yon o 654,837 pamil­ya mula sa 13 rehiyon sa bansa ang apektado ng bagyong Egay. Nasa 312,000 residente naman ang lumikas sa 737 evacuation centers sa kasagsagan ng pananalasa ni Egay.

Pumalo naman sa P5.4 bilyon ang sinira ng bagyong Egay kung saan P3.5 bilyon sa infrastructure at P1.9 bilyon sa agrikultura.

Show comments