Bebot tinodas ng ka-check in sa hotel

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Cubao Police Station, ala-1:45 ng madaling araw nang madis­kubre ng isang room attendant ang bangkay ng biktima sa loob ng isang hotel sa Arayat St. Brgy. Martin de Porres, Cubao, Quezon City habang ito ay naglilinis.
STAR / File

Sinaksak ng 13 beses

MANILA, Philippines — Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang isang babae na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng isang hotel sa Quezon City, kamakalawa.

Hindi bababa sa 13 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Bernalyn Reginio, 24, customer care assistant at residente ng Suburban Village, Brgy. San Jose, Rodriguez  Rizal.

Inaalam pa ng mga pulis­ya ang pagkakaki­lanlan ng lalaking salarin na kasama nito sa pag-check in sa motel na mabilis tumakas matapos ang krimen at inilarawan lamang na nasa 25-anyos, slim built, nakasuot ng yellow ball cap, pulang shirt, at itim na pantalon na may guhit na puti.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Cubao Police Station, ala-1:45 ng madaling araw nang madis­kubre ng isang room attendant ang bangkay ng biktima sa loob ng isang hotel sa Arayat St. Brgy. Martin de Porres, Cubao, Quezon City habang ito ay naglilinis.

Napuna ang mga ba­kas ng paa na may dugo sa sahig at nang sundan ang pinagmulan ng bakas ay natunton ito sa silid na tinuluyan ng biktima at ng lalaking kasama nito.

Sa imbestigasyon ng QCPD, lumilitaw na bago ang krimen ay nag-checked-in ang biktima sa hotel, kasama ang salarin.

Sa nakalap na impormasyon na inoperan ng “serbisyo” ng biktima ang suspek kaya’t nag-checked-in sila sa hotel, ngunit masusi pa nila itong iniimbestigahan.

Inaalam pa rin umano ng mga otoridad ang posibleng dahilan ng krimen.

Gayunman, hindi pagnanakaw ang motibo ng pagpatay dahil intact ang mga gamit ng biktima.

Show comments