^

Police Metro

Policewoman, kalaguyong pulis huli sa akto ng mister na pulis

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Policewoman, kalaguyong pulis huli sa akto ng mister na pulis
Kinasuhan na ng adultery ang isang policewoman at kalaguyo nitong pulis matapos na mahuli sa akto ng mister na pulis sa loob ng isang motel.

MANILA, Philippines — Huli sa akto ng isang pulis ang kanyang misis na pulis at kalaguyo nito na isa ring pulis na nagtatalik sa isang motel sa Talibon, Bohol.

Kasong adultery at na­nganganib pang masibak sa serbisyo sina Patrolwoman Analuna Valentos, 28 at PCpl. Mac Louie Dabon 37.

Ayon kay PMaj Joseph Lopena, station commander ng Talibon Police Station, bumuo siya ng isang team para magresponde sa natanggap na reklamo ng asawa ni Patrolwoman Valentos na umano ay nakita niyang pumasok ng bayside pension house ang kanyang misis na may kasamang ibang lalaki.

Isa ring pulis ang asawa ni Patrolwoman Valentos at nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Cebu Police Provincial Office.

Sinabi ni Lopena, pasa­kay na sana ng bangka para pumasok sa kanyang duty sa Cebu ang nagrereklamong pulis pero bumalik ito nang magduda dahil hindi na nito makontak ang asawang patrolwoman.

Sa operasyon ng Talibon Police Station, inabutan na nakahubo’t hubad sa loob ng kwarto ng motel si Dabon habang nagsusuot naman ng short pants at pang-itaas na damit si Patrolwoman Valentos.

Under suspension ang umano’y magkalaguyong pulis dahil sa isinampang reklamo ng mister ng babae na may relasyon ang kanyang misis sa kapwa niya pulis.

Napag-alaman pa kay Lopena na bago ang pagkakahuli sa akto sa dalawang magkalaguyo ay magkasama pa sa kanilang bahay ang mag-asawang pulis.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with