Ex-inmate timbog sa P7.1 milyong shabu

MANILA, Philippines — Isang lalaki na dati nang nabilanggo sa droga ang balik-kulungan matapos na mahulihan ng P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang suspek na si Ian Torres, 37, konduktor ng bus, residente ng 419 Dominga St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City na itinuturing na Top 2 District Drug Personality Priority Target ng QCPD dahil sa paglabag sa Section 5 (Selling of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ulat, alas-8:50 ng gabi nang maaresto ang suspek sa buy-bust operation sa isang tindahan ng barbeque na matatagpuan sa FPJ Avenue. Brgy., Katipunan, Quezon City.
Nakumpiska ang tinatayang aabot sa isang kilo at 50 gramo ng shabu, na nakasilid sa paper bag at nagkakahalaga ng may P7,140,000, isang cellphone at buy-bust money.
Ayon sa mga otoridad, dati na ring nakulong ang suspek dahil sa drug charges.
- Latest