^

Police Metro

Hoarders at tusong traders ng sibuyas at bawang binalaan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Hoarders at tusong traders ng sibuyas at bawang binalaan
A vendor at Balintawak Public Market in Quezon City peels newly delivered onions on December 13, 2022.
STAR / Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bilang na ang mga araw ng mapagsamantalang negos­yante ng sibuyas at bawang na umano’y nasa likod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga nasabing produkto.

Ayon kay Romualdez na may mga impormasyon sila na tinatago ng mga tusong negosyante ang mga sibuyas, at maging bawang para kapusin ang suplay at tumaas ang presyo ng mga ito.

Pinuna ni Romualdez na sa kabila ng kasalukuyang pag-aani ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas at ang pagpasok ng import ay nananatili pa ring mataas ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihang bayan.

Inatasan ng lider ng Kongreso ang House Committee on Agriculture para simulan ang imbestigasyon at kung kinakailangan ay irekomenda ang pagsasampa ng karampatang kaso laban sa mga hoarder at mapagsamantalang tra­ders.

Dagdag pa ni Romualdez na ang pagtaas ng ­presyo ay  sadya, kaya dapat kasuhan ang mga nasa likod nito ng economic sabotage.

Pinag-aaralan ni Romualdez kung dapat na irekomenda sa Pangulo na patuloy mag-import ng sibuyas at bawang  para mapilitan na itong mga tusong negosyante na ilabas ang mga stock nila at mapababa natin ang presyo para maibsan ang pasanin ng mga mamimili.

Pero, iginiit ni Romualdez na kung gagawin ang naturang importasyon ay marapat lamang tiyaking hindi masasaktan ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas at bawang.

vuukle comment

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with