^

Police Metro

Pagkakaloob ng karagdagang benepisyo, opisina para sa mga ex-president, inihain sa Senado

Gemma Garcia - Pang-masa
Pagkakaloob ng karagdagang benepisyo, opisina para sa mga ex-president, inihain sa Senado
Kasama ni Go sa paghahain ng Senate Bill No. 1784 o ang panukalang “Former Presidents Benefits Act of 2023” noong Enero 26 ay sina Sens. Mark Villar, Francis Tolentino at Ronald “Bato” dela Rosa. Nakasaad sa naturang panukalang batas na ang mga dating pangulo ay inaasahang gagampanan pa rin ang mga tungkulin pagkatapos ng kanilang termino sa pagkapangulo tulad ng pakikipagpulong sa mga dayuhan at lokal na dignitaryo, at pagdalo sa mga pampublikong kaganapan at iba pang pakikipag-ugnayan sa lipunan.
BW Photo/File

MANILA, Philippines — Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribus­yon at mahalagang papel sa lipunan ay isang panukalang batas ang inihain ni Senador Christopher “Bong” Go na nagmumungkahi na magbigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa mga dating pangulo ng Pilipinas kahit na matapos ang kani-kanilang termino.

Kasama ni Go sa paghahain ng Senate Bill No. 1784 o ang panukalang “Former Presidents Benefits Act of 2023” noong Enero 26 ay sina Sens. Mark Villar, Francis Tolentino at Ronald “Bato” dela Rosa. Nakasaad sa naturang panukalang batas na ang mga dating pangulo ay inaasahang gagampanan pa rin ang mga tungkulin pagkatapos ng kanilang termino sa pagkapangulo tulad ng pakikipagpulong sa mga dayuhan at lokal na dignitaryo, at pagdalo sa mga pampublikong kaganapan at iba pang pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Sa kadahilanang ito ay madalas na nangangailangan pa rin sila na gumamit ng mga serbisyo ng mga personal na kawani at magpanatili ng mga pribadong opisina.

Kung minsan aniya, kailangan pa rin ng mga dating pangulo na magsilbi sa mga nasasakupan, magpakita sa publiko at tumanggap ng mga bisita dahil sa kanilang katayuan.

Kung maipapasa aniya ang panukalang batas, lahat ng dating pangulo ay may karapatan sa karagdagang mga benepisyo at pribilehiyo, tulad ng personal na seguridad at proteksyon, sapat na kawani na ibinibigay ng Opisina ng Pangulo, at angkop na espasyo ng opisina, bukod sa iba pa.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with