MANILA, Philippines — Pina-full tank muna ang sinasakyang kotse ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki bago nila hinoldap nila ang gasolinahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Project 4 Police Station 8, alas-3:40 ng madaling araw, nang holdapin ang Unioil Gasoline Station na matatagpuan sa No. 603 Katipunan Ave., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, abala umano sa loob ng booth ang kaherang si Claire Joy Zabala, 25, nang dumating ang tatlong suspek sakay ng puting Toyota Tamaraw FX at nagpa-gasolina.
Matapos na makapag-karga ng gasolina, isa sa mga suspek ang nagtungo sa kahera at tinutukan ng baril si Zabala at nagdeklara ng holdap, at tinangay ang P19, 833.00 kita ng gasolinahan.
Hindi pa umano nakuntento ang mga suspek ay tinangay pa ang cellphone ng kahera bago tumakas patungong Katipunan Ave, south-bound direction.