^

Police Metro

Dating pulis, 1 pa todas sa drug bust

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dating pulis at kasamahan nang makaengkuwentro ang mga otoridad sa naganap na drug buy-bust operation, kamakalawa sa Naga City.

Nakilala ang  dating pulis na si Cpl. Albert  Gumba na sinibak sa serbisyo at isa pang high value target na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay BGen. Warren de Leon, hepe ng Philippine National Police-Integrity Monito­ring Enforcement Group (PNP-IMEG) na nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot sina Gumba sa transaksiyon ng  iligal na droga sa San Isidro, Naga City.

Agad na isinagawa ang  buy-bust operation kung saan isang tauhan ng IMEG ang nagsilbing poseur buyer, subalit nakatunog ang mga suspek na humantong sa barilan na ikinasawi ng mga ito.

Nasamsam sa crime scene ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600 at dalawang 45 kalibre ng baril.— Jorge Hallare

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with