Taas-presyo sa petrolyo, larga ngayong Martes

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Seaoil Philippines Corporation, magtataas sila ng P1.30 kada litro sa presyo ng kanilang gasolina, P1.00 kada litro sa diesel at P1.35 sa kerosone.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Simula ngayong Martes, Enero 31 ay ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang ikatlong linggong taas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Seaoil Philippines Corporation, magtataas sila ng P1.30 kada litro sa presyo ng kanilang gasolina, P1.00 kada litro sa diesel at P1.35 sa kerosone.

Ayon sa Cleanfuel, ganito rin ang oil price hike na ipatutupad ngayong Martes pero hindi kasama ang kerosene.

Ayon sa oil companies, alas-6 ng umaga ngayong Martes 31, ipaiiral ang taas-presyo ng produktong petrolyo maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng taas-presyo ng petroleum products ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.

Wala pa namang abiso ang iba pang kumpanya ng langis kaugnay ng ipatutupad na oil price hike. 

Show comments