^

Police Metro

Bus nagliyab sa Makati: 2 pasahero sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawa katao matapos na magkatulakan ang mga pasahero habang nag-uunahang bumaba sa nasusunog na bus sa EDSA carousel sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Agad dinala sa paga­mutan ang dalawang pasahero na hindi natukoy ang kanilang pagkakakilanlan dahil sa pagkatapilok at ang isa ay tumama sa bakal nang masubsob.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi, nang maganap ang insidente malapit sa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue.

Sa pahayag ng bus driver na si Roel Salarsa, nakita niya na umuusok ang huling bahagi ng bus at umapoy. Ihininto niya kaagad ang sasakyan at binuksan ang lahat ng bintana dahil sa usok na pumapasok sa loob. Binuksan ang pintuan ng bus upang makababa ang mga natakot na pasahero sanhi ng pagtutulakan.

Sinabi naman ng kinatawan ng BovJen bus company na sasagutin ng management ang gastusin sa pagpapagamot sa dalawang pasahero .

vuukle comment

BUS

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with