3 heneral at 7 full colonel ‘di pa nag-courtesy resignation
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine National Police – Public Information Office chief Police Colonel Red Maranan na tatlong heneral at pitong police colonel na lamang ang hindi pa nakapagpapasa ng kanilang courtesy resignation.
Matatandaang ipinanawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos kamakailan ang pagpasa ng courtesy resignation ng mga generals at full colonels ng PNP bilang bahagi ng cleansing sa ahensya sa mga sangkot di-umano sa illegal drug trade.
Ani PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., maghihintay pa sila hanggang Enero 31 upang makapagpasa ang lahat ng senior officers ng kani-kanilang courtesy resignations.
“Itong pagsusumite ng courtesy resignation, ang sabi ni PNP chief at SILG, everything is status quo. Kung ano ang normal na ginagawa ng PNP pagdating sa administrative at operational functions, dapat dire-diretso,” wika ni Maranan.
Ayon kay Maranan, sinabi ni Abalos na posibleng matapos sa loob ng dalawang buwan ang evaluation at assessment sa mga ipinasang courtesy resignation.
- Latest