^

Police Metro

Suspek sa pagpatay ng 2 pulis-Pampanga utas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay sa shootout ang isang lalaki na umano’y kabilang sa grupong nasa likod ng pagpatay sa dalawang pulis ng Pampanga sa isang hot pursuit operation.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon, nabatid na sakay ng motorsiklo ang suspek nang sitahin ito sa isang checkpoint.

Narekober sa crime scene ang isang .45 kalibreng baril at ang motorsiklo ng suspek.

Nangyari umano ang engkuwentro kaugnay ng follow-up operations na inilunsad ng Pampanga Police para madakip ang mga suspek sa pagpatay kina Police Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr.

Nauna nang naaresto ng mga pulis ang tatlong suspek na sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aries Espiritu Bagisic at Leslie Placiente sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng umaga.

Batay sa imbestigas­yon, ang mga biktimang sina Capitle at Gacusan ng Mabalacat Police ay galing sa isang anti-illegal drugs operations noong madaling araw ng Sabado, Disyembre 3.

Papasakay ng kani­lang motorsiklo ang mga biktima nang dumating ang mga salarin na sakay ng mga motorsiklo at walang sabi-sabing pinutukan at pinatay ng mga suspek ang dalawang pulis.

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with