BSP niraraket ng mga pekeng empleyado
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na huwag pumatol sa mga nagpapakilalang empleyado ng central bank na nagsasagawa ng solicitation.
Sa advisory kahapon, isiniwalat ng BSP na may ilang indibidwal ang ginagamit ang tunay at pekeng pangalan ng kanilang empleyado at opisyal at tumatawag o nagpapadala ng mensahe sa kanilang bibiktimahin.
“In the performance of their official functions, the BSP clarifies that its personnel, officers, and units will never solicit money or ask any information or documents involving private individuals’ financial transactions,” ayon sa BSP.
“To guard against such misrepresentations, the BSP reminds the public to always remain vigilant, avoid providing personal or financial information to suspicious individuals, and refrain from sending money to unverified recipients,” babala pa nila.
Pinayuhan din ng central bank ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang nagsosolicit gamit ang pangalan ng BSP.
Una nang naglabas ng babala ang BSP laban naman sa phishing o pagpapadala ng mga text messages na may kasamang malisyosong links para manakaw ang kanilang mga personal na impormasyon kabilang ang mga bank informations.
- Latest