^

Police Metro

Marcos, Sara iba pang gabinete angat sa survey

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa isinagawang nationwide survey ay nakatanggap ng mataas na “approval” at “trust” ratings sina Pangu­long Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Batay  sa Ang “Boses ng Bayan” survey na isinagawa ng RP-Mission and Deve­lopment Foundation, Inc. (RPMD) mula Nob­yembre 27 hanggang Dis­yembre 2, ay nagsiwalat na 83% ng mga respondent ay nasiyahan sa pagganap ng trabaho ni Pangulong Marcos at 81% ng mga nasuri ang nagpaha­yag ng pagsang-ayon kay Bise Presidente Duterte.

Karamihan sa mga res­pon­dent ay nagbigay din ng mataas na trust rating sa da­lawa na kapwa nakakuha ng 87%.

Ang mga detalye ng satis­faction rating ni Marcos ay nagresulta sa pagiging pi­­na­­kamataas sa Mindanao na may 87% at pinakamaba­ba sa Metro Manila na may 73%.

Habang ang satisfaction rating ni Duterte ay naglala­rawan ng pinakamataas sa Mindanao na may 98% at pinakamababa sa rehiyon ng Luzon na may 70%.

Si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ay nangu­nguna sa pag-apruba ng 78% at 83% trust rating sa mga Cabinet secretaries; DICT Secretary Ivan John Uy- na may appro­val na 74% at 89% trust rating;DBM  Secre­ta­ry Amenah Pangandaman-73% approval at 67% trust rating; DMW Secretary Susan Ople-71% approval at 68% trust rating;DOT Secretary Christina Garcia-Frasco-70% approval rating at 65% trust rating.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with