^

Police Metro

PWDs isasama na sa ‘cash-for-work’ program ng DSWD

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga person with disabilities (PWDs).

Inanunsyo kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na isasama na nila ang mga PWDs sa Cash-For-Work program ng kagawaran kung saan maaari silang makatanggap ng hanggang P4,000 cash.

“Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.

Ani Tulfo, kadalasang napag-iiwanan o nakakalimutan ng lipunan ang mga may kapansanan.

Utos aniya, ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan at alagaan ang mga PWDs.

Nabatid na sa pama­ma­gitan ng paglahok ng PWDs sa iba’t ibang commu­nity services, maa­ari silang tumanggap ng hanggang P4,000 cash assistance.

Sa isang media briefing, sinabi ni Tulfo na kahit wala pa sa kasalukuyang budget ng DSWD ang nabanggit na para mga PWDs, maaaring kunin ang pondo mula sa iba pang mga programa ng ahensya tulad ng KALAHI-CIDSS Kapit Bisig Laban sa Kahirapan at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Aapela aniya siya sa Kongreso para sa buwanang kompensasyon sa Kongreso para sa mga PWDs.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with