^

Police Metro

30% Pinoy umaming gumanda ang buhay sa 2022

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 30 porsyento ng mga pilipino ang naghayag na gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay ngayong 2022 kumpara noong nakaraang taon, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

 Ayon sa SWS survey, 29 porsyento ang nagsabi na sumama naman ang lagay ng kanilang pamu­muhay ngayong taon at nasa  41% ang nag­sa­bing walang naging pagba­bago sa kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 29 hanggang Nob. 2 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 respondents o may 300 bawat isa ang tinanong sa Metro Manila, Visayas at Mindanao at 600 respondents sa Balance Luzon.

Ang mga respondents ay kinuha ang reaction sa tanong na “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati o mas ma­sa­ma kaysa noon.

Ayon sa SWS may sampling error mar­gins na ±2.5 percent sa natio­nal percen­tages, ±5.7 percent bawat isa sa Metro Manila, Vi­sayas at Mindanao samantalang  ±4.0 percent sa Balance Luzon.

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with