^

Police Metro

HIV sa Pinas pinakamabilis sa Asya

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa pinakahuling datos ng United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) ay nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamabilis na paglaki ng bilang ng impeksyon ng HIV sa buong Asya Pasipiko.

 “In the Asia and Pacific Region, the Philippines has the fastest growing HIV case with a 237% increase in annual new HIV infections from 2010-2021. In the same period, AIDS-related deaths have increased by 315%,” ayon sa pahayag ng DOH.

Inihayag ng UNAIDS na sa buong mundo, nasa kabuuang 38.4 milyong tao na ang namumuhay na may HIV nitong katapusan ng 2021.

Kasabay ng paggunita sa World AIDS Day, inilunsad ng DOH ang 7th AIDS Medium Term Plan (AMTP) para maabot ang harangin na mawasakan ang pagiging banta sa kalusugan ng publiko ng AIDS pagsapit ng taong 2030.

Sa kasalukuyan, nasa 107,177 na ang naitatlang kaso ng HIV at AIDS mula nang unang ma­diskubre ito sa Pilipinas noong ­Enero 1984 at nitong Oktubre 2022, nasa 1,383 ang bagong tuklas na mga kaso na may 65 sa kanila ang nasawi.

AIDS

HIV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with