Voter’s Registration muling aarangkada

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na mu­ling aarangkada ngayong Disyembre ang voter’s registration.

Kaya’t hinikayat nila ang mga Pilipino na hindi pa botante na magparehistro dahil mag-uumpisa ang pagpaparehistro sa Dis­yembre 12 at magtatapos hanggang Enero 31, 2023.

Kabilang sa mga tatanggapin ang mga unang beses na boboto para sa Sangguniang Kabataan elections at mga regular na botante, paglilipat sa voter registration record, re-activation ng voting status at pagtatama o pagbabago sa entry ng voter registration record.

Ipatutupad rin ng Comelec ang pilot ng kanilang Register Anywhere Project (RAP) na uumpisahan sa limang malls sa Metro Manila kabilang ang SM Fairview, SM Mall of Asia, SM South Mall, Robinsons Place Manila at Robinsons Galleria.

Samantala, ang overseas voter registration ay mas maagang uumpisahan sa Disyembre 9 sa lahat ng mga Philippine Embassies at Consulate Generals sa buong mundo na magtatapos hanggang Setyembre 30, 2024.

Show comments