^

Police Metro

6,000 pulis idedeploy ngayong kapaskuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
6,000 pulis idedeploy ngayong kapaskuhan
“Iyong ating mahigit 6,000 na tourist-trained police ay asahan ninyo na this early ay nandiyan na po sila para maramdaman ng ating mga kababayan kasama ang kanilang ma­hal sa buhay na sila ay lig­tas at makakapag-enjoy po ng kanilang bakasyon,” wika ni Fajardo.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Nasa 6,000 tourist orieted cops ang ipapa­kalat upang matiyak ang seguridad ng publiko sa mga matataong lugar na dadayuhin ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ito ang sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo.

“Iyong ating mahigit 6,000 na tourist-trained police ay asahan ninyo na this early ay nandiyan na po sila para maramdaman ng ating mga kababayan kasama ang kanilang ma­hal sa buhay na sila ay lig­tas at makakapag-enjoy po ng kanilang bakasyon,” wika ni Fajardo.

Ayon kay Fajardo, nag­labas na ng memo­randum ang PNP na hindi na maaaring mag-leave sa Disyembre 15 ang mga pulis upang matiyak na sapat ang deployment ng mga ito ngayong Kapas­kuhan.

Pinag-iingat din ng PNP ang publiko laban sa nagkalat na pekeng pera at pananamantala ng ilang indibidwal ngayong Christmas shopping rush.

“Ang totoong pera ay medyo magaspang, naka-emboss yung mga prints at… kapag tinaas natin against the light ay ma­kikita natin yung mga hidden security features ng pera,” ani Fajardo.

Mas makabubuti kung agad itong isusurender sa mga bangko o magsampa ng reklamo laban sa tao o establisimyento na nagbayad ng pekeng pera.

Babala ni Fajardo, hindi na dapat pang ipambili ang mga pekeng pera dahil kaso at kulong ang katapat nito.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with