Presyo ng basic goods tumaas sa Christmas season
MANILA, Philippines — Dahil sa papalapit na Kapaskuhan ay tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin mula 2 percent hanggang sa pinakamataas na 13 percent nitong mga nakalipas na linggo, ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PASI).
“Ang itinaas around 2% to around, merong as high as 13%, certain items,” wika ng presidente ng grupo na si Steven Cua sa isang panayam sa telebisyon.
Karamihan aniya sa mga tumaas ang presyo ay ang mga ready-to-drink beverages, chocolate, jelly, peanut butter at iba pang matatamis na bilihin.
Aniya, higit sa 20 manufacturer ang humiling na ng price increase sa bilihin, kabilang ang non-essential items.
“Let’s say 50, 100 items, itinataas nila 20. Inuudlot nila, paunti-unti, ayaw nila maubusan o mawalan ng market share,” paliwanag ni Cua.
- Latest