^

Police Metro

Inmates na 70-anyos pataas palalayain

Danilo Garcia - Pang-masa

‘Hindi na makakaisip ‘yan gumawa ng krimen’ – BuCor

MANILA, Philippines — Upang mapaluwag ang mga pinamamahalaang kulu­ngan sa bansa ay pinag-aaralan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbibigay ng “executive clemency” o pagpapalaya sa mga bilanggong may edad 70-taong gulang pataas.

Ito ang inihayag kahapon ni BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr. na nagawa ito noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at posible ring maisagawa sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Under the law daw, panahon ni President GMA, may batas siya o executive order na inisyu na lahat ng 70 years old up ay [bigyan] na ng parole o palayain na kahit papa’no kasi sabi nila, 70 years old, hindi na makakaisip ‘yan gumawa ng krimen,” paliwanag ni Catapang.

Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano na target rin talaga ni Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapaluwag sa mga kulungan lalo na ang New Bilibid Prison na may congestion rate na 300% na.

Isa pang plano ngayon ng DOJ ang tuluyang pagpapalipat na sa NBP maximum security sa Sablayan Prison sa Occidental Mindoro at ang minimum security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Higit sa 1,500 matatandang bilanggo lalo na ang mga naghihintay na lamang ng paglaya ang maaari ring mailipat sa Fort Magsaysay, ayon kay Catapang.

Base sa resolusyon ng Board of Pardons and Parole (BPP), ang mga bilanggo na kuwalipikado na sa parole o executive clemency ay may edad 65-taong gulang pataas, napagsilbihan na ng limang taon ang kanilang sentensya, o ang nalalagay sa panganib ang kalusugan sa bilangguan base sa record.

Hindi naman kuwa­lipikado dito ang mga inmate na may kasong heinous crimes.

 

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with