^

Police Metro

‘Chikungunya’ sa bansa sumipa na sa 500 — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot na mahigit 500 ang kaso ng sakit na chikungunya ang naitatala sa bansa, kumpara sa nakalipas na taon, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Sa pinakahuling Disease­ Surveillance Report ng DOH, mayroong 551 kaso na na­iulat mula Enero 1 hanggang Nobyembre 5, 2022 na nasa 589% ang itinaas kumpara sa 80 kaso ng chi­kungunya na naiulat sa pare­hong panahon noong naka­raang taon.

May pinakamataas na mga kaso ang tatlong rehiyon kung saan nanguna ang CALABARZON na may 154; Central Visayas (114); at Davao Region (104).

Lumalabas din na ang CALABARZON ang nagtala ng pinakamatinding pagtaas kung ikukumpara noong 2021 ay nasa 5033% o 3 hang­gang 154; Western Visayas na 1625% o  4 hanggang 69;  at Central Visayas na 936% o 11 hanggang 114.

Gayunman, wala o zero deaths naman ng chikungunya ngayong taon gaya rin ng nakaraang taon.

Ang isang chikungunya­ virus ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawaang lamok. Nagdudulot ito ng lagnat at matinding pananakit ng kasu-kasuan bagamat bihira naman ang nagreresulta sa kamatayan, ayon sa World Health Organization.

vuukle comment

CHIKUNGUNYA DISEASE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with