Abalos nag-alok ng P.5 milyon sa ulo ng mga killer ni Percy Lapid

Screen grab from GMA News shows the suspects in the killing of Percy Lapid fleeing the scene.
Screen grab

MANILA, Philippines — Nag-aalok si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumatay sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid na Percival Mabasa sa tunay na buhay.

Inihayag ni Abalos ang pabuya sa kanyang pagbisita sa burol ni Lapid nitong Miyerkules ng gabi, habang nanawagan siya sa publiko na magbigay ng impormas­yon sa mga otoridad na hahantong sa pag­kakaaresto sa mga suspek.

“I’m offering P500,000 of my own money for any information na makakatulong pa [that could help],” ani Abalos.

Sinabi ng DILG chief na kinondena ng kasalukuyang administrasyon ang pama­maril sa broadcaster. Tiniyak din niya sa publiko na ang gobyerno ay ginagawa ang lahat para malutas ang kaso.

Matatandaang naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi noong Lunes sa gate ng BF Resort, na matatagpuan sa Aria St., Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

Show comments