^

Police Metro

Bodega ng asukal sa Pampanga, pinabuksan ni Marcos sa BOC

Malou Escudero - Pang-masa
Bodega ng asukal sa Pampanga, pinabuksan ni Marcos sa BOC
Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega ng asukal sa lalawigan ng Pampanga na hinihinalang nagho-hoard.

MANILA, Philippines — Dahil sa pinaghihina­laang nag-iimbak ng libu-libong sako ng asukal ay ini­utos ni Pangulong Fer­­di­nand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) na buksan ang isang bodega sa Pampanga.

Sinalakay ng mga ope­ratiba ng Clark-based Cus­toms Intelligence and In­vestigation Service at Enforcement and Secu­rity Service–Quick Reaction Team ang Lison Building­ na kinaroroonan ng New Public Market sa Baran­gay Del Pilar sa San Fernando, Pampanga, kahapon.

Kinumpirma ni Exe­cutive Secretary Victor Rodriguez na inatasan siya ng Pangulo para abisuhan ang BoC na gamitin ang visitorial powers sa lahat ng customs bonded warehouses at i-check ang imported agricultural products na nakaimbak sa mga bodega.

Kasabay nito, nagba­bala ang Malacañang sa mga negosyanteng nang-iipit ng suplay ng asukal para mapataas ang presyo at mas lumaki ang kanilang kita.

Nilinaw naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi raid ang ginawa kundi pagpapatupad ng “visitorial powers” ng BoC base na rin sa utos ng Malacañang.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with