^

Police Metro

Metro Manila mayors pinanindigan ang NCAP

Mer Layson - Pang-masa
Metro Manila mayors pinanindigan ang NCAP
A CCTV camera is seen at Main Avenue in Cubao, Quezon City as motorists ply the road on September 5, 2021.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinanindigan ng ilang Metro Mayors ang kani­lang desisyon hinggil sa pagpapatupad ng no-contact apprehension program (NCAP) sa kanilang mga nasasakupan, sa kabila ng petisyong inihain sa Korte Suprema na humahamon sa naturang polisiya.

Sa isang joint statement na nilagdaan noong Miyerkules, ay nanindigan sina San Juan City Mayor Francis Zamora, Valenzuela City Mayor Wes Gatcha­lian, Parañaque City Mayor­ Eric Olivarez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Manila Mayor Maria Sheila­ Lacuna, na ipag­pa­patuloy ang pagpapahusay ng mga imprastraktura at road conditions para magkaroon ng ligtas na kapa­ligiran ang kanilang mga constituents.

Para sa kanila, ang implementasyon ng NCAP ay walang binabalewalang due process para sa mga motorista dahil ang mga local governments ay may­roong traffic adjudication boards kung saan maaaring ikontes at iprotesta ng mga ito ang kanilang pag­labag.

Una nang hiniling ng ilang transport group sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary res­training order (TRO) laban sa mga lokal na ordinansa na may kinalaman sa NCAP sa limang lungsod sa National Capital Region.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with