^

Police Metro

Hiling ni Marcos sa traders presyo ng asukal ibaba sa P70 kada kilo

Malou Escudero - Pang-masa
Hiling ni Marcos sa traders presyo ng asukal ibaba sa P70 kada kilo
Ito ang hiniling ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante dahil mataas anya ang P100 kada kilo ng akusal.
File

MANILA, Philippines — “Ibaba sa P70 ang presyo ng asukal kada kilo sa merkado.”

Ito ang hiniling ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante dahil mataas anya ang P100 kada kilo ng akusal.

Sinabi rin ni Marcos na sa ngayon ay nakikipag-negosasyon na sila sa mga traders at tinitingnan nila kung ano na yung stock sa bansa na hindi na kaila­ngang mag-angkat.

Aminado si Marcos na magkukulang ang stock ng asukal bago matapos ang taon na kung saan ang inalok aniyang presyo ng mga traders ay P80 kada kilo, pero inihirit nito na ibaba sa P70 dahil ka­wawa naman aniya ang mga tao.

“Pero hindi talaga – magkakakulang ‘yan so later on this year… That’s what we are negotiating with the traders now. Hihingin natin… They were – they first offered at 80 pesos so sabi ko, “Hingiin ko na ‘yung 70 pesos, tulungan niyo na lang kasi kawawa naman ang tao.” And we’re getting there,” ani Marcos.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng reorganisasyon si Marcos Jr. sa Sugar Regulatory Admi­nistration (SRA) matapos ang pagbibitiw ng mga pangunahing opisyal dahil sa isyu ng sugar import re­solution.

Ayon pa kay Marcos na tumatayo ring pinuno ng Department of Agriculture na ipinaubaya na nila ang imbestigasyon tungkol sa isyu ng importasyon sa lehis­latura dahil ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang kakulangan ng asukal na ginagamit ng industrial consumer. 

Idinagdag ni Marcos na kasabay ng gagawing reorganisasyon ay magkakaroon ng “arrangement” sa mga industrial consu­mers, planters, millers at suppliers ng asukal.

ASUKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with