^

Police Metro

Bulkang Taal patuloy sa pagbuga ng volcanic gas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbuga ng malakas at mataas na usok ang Bulkang Taal kamakalawa ng gabi dahilan para magkaroon ng volcanic smog o vog  sa buong Taal Caldera.

Sa inilabas na update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon na sa nakalipas na 24 oras na monitoring ay umabot sa 13,572 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng Bulkang Taal.

Ayon kay Phivolcs  Director Renato Solidum na ang vog ay naitala mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon ng Huwebes habang ang sulfurous stench ay naiulat ng mga residente ng  Banyaga, Agoncillo; Poblacion 5, Boso-boso, Gulod, Laurel; at Poblacion sa  Talisay, Batangas.

Ang Caldera ay isang  cauldron-like hallow na nabuo makaraan ang isang volcanic eruption.

Sinabi ni Solidum  na bukod sa pagluwa ng bulkan ng sulfur dio-xide,  may naitala ring degassing activity sa bulkan.

Inulat din ni Solidum na mula nang pumasok ang August 2022, nagkaroon ng pagtaas sa degassing activity na kinapapalooban ng visible upwelling  ng volcanic fluids  sa  Main Crater Lake at paglabas ng voluminous steam-rich plumes na may  2,800 metro ang taas.

Pinayuhan ni Solidum ang mga residente sa naturang mga lugar na limitahan ang paglabas ng bahay at protektahan ang mga sarili mula sa vog na may volcanic gas na maaa-ring makairita sa mata, lalamunan at respiratory tract.

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with