^

Police Metro

Ladderized program sa mga nars, aprub kay Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang pagpapatupad ng “ladderized” program para sa mga nars upang palakasin ang sektor ng kalusugan ng bansa.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Palasyo ng Malacañang noong Huwebes.

Tinalakay sa pulong ang mga hamon na kinakaharap ng sektor ng kalusugan ng Pilipinas, partikular ang paglabas ng mga nurse  at iba pang propesyonal sa kalusugan.

Naniniwala si Marcos na ang panukala ay makatutulong na palakasin ang sektor ng kalusugan ng bansa at tugunan ang sinasabing “brain drain,” o ang pag-alis ng mga propesyonal para sa mas magandang suweldo o kondisyon ng pamumuhay.

Sinabi ni Marcos na napakahusay ng mga Filipino nurses kaya gusto sila ng lahat.

Napaulat na si Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagbanggit ng ladderized program sa pakikipagpulong ni Marcos sa PSAC.

Sinabi ni Vergeire na ang Unibersidad ng Pilipinas-Manila at mga piling local government units (LGUs) ay nagpapatupad na ng ladderized program.

Ipinaliwanag ni Vergeire ang nasabing program kung saan sa ilalim nito ay nag-aalok ang UP Manila ng dalawang taong iskolarship para sa mga kumadrona, kapag natapos na ang kurso, ay babalik sila sa komunidad upang maglingkod.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with