^

Police Metro

Malacañang: Extension ng COVID-19 state of calamity nakasalalay sa DOH  

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasalalay sa rekomendasyon ng Department of Health kung palalawigin pa ang deklarasyon ng COVID-19 state of calamity.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na agad nila itong ihahayag pagdating ng oras kung ano ang magiging rekomendasyon ng DOH.

Nakatakdang magtapos ang deklarasyon ng state of calamity ng bansa sa Setyembre 12, 2022 kung hindi ito palalawigin.

Nauna nang sinabi ng DOH na magiging valid ang “emergency use authorization” ng COVID-19 vaccines kapag inalis na ang state of calamity na idineklara dahil sa pandemya.

Noong nakaraang buwan ay inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga otoridad na tingnan ang posibleng pagpapalawig ng deklarasyon.

Kung tatanggalin na ang state of emergency mawawala na rin ang kapangyarihan ng mga local government units (LGUs) na ipatupad ang COVID-19 vaccination program at gamitin ang emergency funds para sa health crisis.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with