^

Police Metro

BJMP, suportado ang signal jamming sa mga bilangguan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang transaksiyon ng illegal na droga sa loob ng kanilang mga bilangguan ay suportado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang panukalang pagpapatupad ng signal jamming.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na makatutulong ang signal jamming upang mapigilan ang pakikipag-komunikasyon ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga kontak sa labas ng bilangguan.

“Importante yan kasi kung yan din yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin yung possible communications with the PDLs and possibly yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” aniya pa.

Umaasa rin si Solda na ipaprayoridad ng pamahalaan ang naturang panukala dahil nangangailangan aniya ito ng pondo.

Una nang inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang paggamit ng signal jammers upang maputol ang komunikasyon ng mga drug lords na sinasabing nag-o-operate pa rin kahit nasa loob na sila ng bilangguan.

BJMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with