^

Police Metro

EPIRA law irerepaso ng Senado

Gemma Garcia - Pang-masa
EPIRA law irerepaso ng Senado

MANILA, Philippines — Upang mapababa ang bayarin sa kuryente, pinapaamyendahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Nais ni Zubiri na repasuhin at pag-amyenda sa probisyon ng EPIRA na nagpapahintulot sa mga power generating companies o gencos na ipasa sa consumers ang lahat ng gastusin sa generation ng kuryente.

Paliwanag ng Sena­dor, dahil dito kaya pina­asa ng mga gencos sa kanilang consumers ang halaga ng pagtataas sa pres­yo ng krudo o coal o gatong sa mga planta maging ang pagtataas ng halaga ng dolyar at iba pang foreign currency na gamit sa krudo.

Kailangan din uma­nong masiyasat kung talagang imported ang mga gatong na ginagamit ng mga gencos para matukoy kung nararapat ang pagpapasa sa mga consumers ng pagtataas ng halaga ng dolyar.

Puntirya rin niya sa pagrepaso sa EPIRA ang patakaran ngayon sa mga electric cooperative na walang patumangga sa doble hanggang tripleng pagsingil partikular ang mga nasa Mindanao at bahagi ng Visayas.

Sinabi ni Zubiri na ipapatawag nila ang Ener­gy Regulatory Commission  (ERC) para matanong kung inaprubahan nito ang mga pagtataas ng mga electric cooperative at kung nao-audit ng maa-yos ang mga kooperatiba.

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with