Higit 45% vaccination rate sa seniors, naitala

A senior citizen receives a COVID-19 jab at Pinyahan Elementary School in Quezon city during the continuation of inoculation of Sinovac vaccine on April 14, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naitala ng Department of Health (DOH) ang higit sa 45% vaccination rate sa senior citizen population sa 17 rehiyon sa bansa.

Sa ulat ng National Vaccination Operations Center, nakapagtala ng pinakamataas na vaccination rate ang Cagayan Valley at Cordillera Admi­nistrative Region, na may 92.8% at 90.7% vaccine coverage at ang pinakamababa ay ang Bangsamoro region na mayroong 46% vaccine coverage.

Umabot na sa 70,853,659 indibidwal ang nakakumpleto ng ‘primary series’ ng bakuna habang 15,017,716 ang nabigyan ng ikatlong dose o unang booster shot.

Show comments