BI binalaan ang publiko vs human trafficking sa Middle East

This undated file photo shows women covering their faces with towels.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang pamu­nuan ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa sindikato ng human trafficking na nambibiktima ng mga bata, kababaihan, at mga manggagawa sa ibang bansa patungo sa Middle East at Gulf Regions.

Ang babala ni BI Commissioner Jaime Morente ay kasunod ng isang insidente na isang babaeng Indian ang ni-rescue dahil sa pagmamaltrato ng kanyang employer sa Kuwait.

Paliwanag ni Morente na karamihan sa mga human traffickers ay hinihikayat ang kanilang biktima sa mataas na sahod kahit na wala itong mga legal na dokumento.

Ayon naman kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Head Timotea Barizo, pi­naalalahanan niya ang pub­liko na maging mapagmasid sa mga nag-aalok sa kanila ng trabaho sa Middle Eastern countries kung saan mataas na sahod ang naghihintay sa kanila.

Sa datos, umabot sa 491 na mga mananakay ang inendorso ng Inter- Agency Council Against Trafficking­ (IACAT) na po­sibleng bik­tima ng human­ traf­ficking.

Show comments