P3.4 milyon shabu nasabat sa Pasay drug bust

MANILA, Philippines — Isang drug suspek ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation, kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Norhidin Medted Gadi, 28, na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat ng PDEA, ang suspek ay naaresto nang pinagsanib na puwersa ng PDEA IV-A Cavite Provincial Office (PO) at Pasay City Police Station, alas-12:30 ng tanghali sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Pacific Drive, Zone 10, Brgy. 76, Pasay City.

Nakumpiska sa suspek ang may 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,450,000, at nakalagay sa isang pirasong self-sealing transpa­rent plastic bag, isang unit na Toyota Coaster (NBK-2308)

Show comments