^

Police Metro

Bagong toll rates sa CAVITEX tuloy na sa May 22

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bagong toll rates sa CAVITEX tuloy na sa May 22
The second phase of Cavitex's road enhancements cover additional bridge lanes, which will widen the Parañaque, Wawa and Las Piñas bridges.
Photo Release

MANILA, Philippines — Tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo) ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.

Matatandaang ina­­nun­syo ng Cavitex Infras­truc­ture (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation­ Authority (PRA), sa pa­ki­kipagtulungan ng Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment o Parañaque Toll Plaza na dapat ay ipatutupad noong Mayo 12, 2022.

Nagpasiyang ipagpa­liban ito upang magbigay ng mas maraming oras para sa pagpaparehistro ng mga PUV driver at operator sa toll reprieve program na nagpapahintulot sa kanila na patuloy na matamasa ang lumang toll rates na P25.00 para sa Class 1, P50.00 para sa Class 2 sa pamamagitan ng rebate program.

Ang toll reprieve program ay sistema sa pamamagitan ng RFID, kaya lahat ng PUVs ope­rators at drivers ay kailangang i-enroll ang kanilang account sa programa sa pa­kikipag-ugnayan sa kanilang iba’t ibang transport or­gani­zations.

Ang programa ay ta­takbo sa loob ng 90 araw simula sa “Day 1” ng pagpa­patupad ng bagong toll rates.

CAVITEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with