P1 bilyon inilabas para sa COVID-19 ­compensation sa health workers - DBM

Makatatanggap naman ng P1 milyon ang mga pamilya ng HCWs at non-HCWs na nasawi sa COVID-19 habang nanunungkulan.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas sila ng P1.081 bilyong grant para sa sickness and death benefits ng public at private healthcare workers at non-HCWs na nasapul o matatamaan ng COVID-19 sa pagsisilbi ng mga ito sa gitna ng pandemya.

Inihayag ng DBM na ang mga nagkaroon ng mild o moderate ­COVID-19 infection ay makatatanggap ng P15,000.

Habang ang mga nasapul naman ng severe o critical COVID-19 ay bibigyan ng P100,000 bilang kompensasyon.

Makatatanggap naman ng P1 milyon ang mga pamilya ng HCWs at non-HCWs na nasawi sa COVID-19 habang nanunungkulan.

Siniguro ng departamento na ipagpapatuloy nito ang timely approval ng budget para sa frontliners.

Show comments