2022 elections, pinakamoderno sa buong mundo — PPCRV

A volunteer nun helps to encode election returns at the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at the Pope Pious Catholic Center along UN Avenue in Manila.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Parish­ Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pinakamo­derno ang katatapos na eleksyon sa buong mundo na dapat umanong ipagmalaki ng bawat Pilipino.

Sinabi ni Myla Villa­nueva, national chairperson ng PPCRV, na ngayon lamang siya nakakita ng isang halalan na may 65 milyong nakarehistrong botante na may napaka­taas na ‘turnout rate’.

“Imagine that, 106,000 precincts, one person, one vote. When you feed that ballot into the machine, it’s consolidated and right away sent to what we call canvas­sing systems that add up your votes and show up on the boards,” ayon kay Villanueva.

Nagsasagawa ang PPCRV ng ‘parallel ma­nual counting’ ng election returns sa loob ng University of Santo Tomas campus sa España, Maynila.

Sinabi naman ni PPCRV Co-IT Director­ William Yu, na mandato­ nila na bantayan at tuku­yin ang mga hindi pagkakatugma sa mga election returns at iulat agad ito sa Commission on Elections (Comelec).

Sa kabila nito, hindi naman umano sila obli­gado na tapusin ang pag­bibilang sa lahat ng pre­sinto. Ga­gawin umano nila ito hanggang sa may dumarating na ERs at may nagpapakita na mga volunteers nila.

Show comments