Anak ni Marcos na si Sandro lumaki ang lamang sa Ilocos Norte

MANILA, Philippines — Lumaki ang lamang ni Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, anak ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, sa kasalukuyang survey sa pagka-kongresista sa ­unang distrito ng Ilocos Norte matapos makakuha ng 62%.

Sa pinakahuling resulta ng survey mula sa RP-Mission and Development Foundation (RPMD), nanguna ng 26% na puntos si Sandro at pangalawa lamang ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan na si Ria Fariñas-36% voter preference. Habang dalawang porsyento ang nananatiling undecided na isinagawa noong Abril 3-8, 2022, na may 53% na voter preference.

Isinagawa ang survey nang malaya at walang komisyon mula Abril 17-21, 2022. Nag-survey sa 1,000 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-) at gumamit ng random sampling sa unang distrito ng Ilocos Norte.  

Show comments