Search, rescue ops sa Baybay City itinigil na

MANILA, Philippines — Itinigil na ng Office of Civil Defense ang search, rescue and retrieval (SRR) operations sa ilang lugar na tinamaan ng landslide sa Baybay City, Leyte.

Ayon kay Lord Byron Torrecarion, regional director ng Office of Civil Defense sa Region 8, tinapos na nila ang SRR sa barangay Mailhi at Bunga habang tuloy pa rin sa Barangay Kantagnos.

Ang Baybay City ay isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Agaton, na humagupit sa maraming lugar sa Visayas noong nakaraang linggo.

Itinigil na rin kahapon ang SRR operation sa Abuyog, Leyte.

Samantala, hanggang 4:50 ng umaga noong Martes, sinabi ni Torrecarion na nasa 179 na ang kabuuang naiulat na nasawi dahil kay Agaton.

Show comments