^

Police Metro

Hanggang sa matapos ang termino Duterte tinabla ang ‘No Face Mask’ sa Pinas

Malou Escudero - Pang-masa
Hanggang sa matapos ang termino Duterte tinabla ang âNo Face Maskâ sa Pinas
A passenger (C) sits inside a tricycle covered with a reminder to wear a mask, part of the COVID-19 health protocols, in Manila on Feb. 16, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hanggang sa huling araw ng kanyang termino ay walang balak si Pangu­long Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagtanggal sa pagsusuot ng face mask bilang bahagi ng minimum public health protocols.

“I just state my cases, there’s no way that mask will not be required. It will be part of the protocol for a long time until my last day in the office. Iyan ang order ko at iyan ang sundin niyo,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Tinukoy ng Pangulo ang pangangailangan nang pagsusuot ng face masks kasama ng regular na pag­huhugas ng kamay at mahigpit na physical distancing.

“We are not out of the woods actually, we are still in a bind,” anito.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng bagong coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases at hospita­lizations sa bansa, muling inulit ng Pangulo ang panga­ngailangan na magpabakuna na ang mga hindi pa bakunado para protekta­han ang kanilang katawan.

Para kay Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng pagsusuot ng face masks, nababawasan nito ang pagkalat ng sakit sa gitna ng election-related at religious activities na dinadagsa ng mga tao.

Sa naging ulat naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Pangulo, sinabi nito na ang ibang bansa ay nakararanas­ ng Covid-19 surge ma­tapos na bawiin ang mandato ng pagsusuot ng face masks.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with